Magkaibigan, arestado sa pagnanakaw ng 10 bote ng lotion sa supermarket sa Las Piñas City

By Mark Gene Makalalad November 10, 2017 - 08:21 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang magkaibigan matapos mag-shoplift ng sampung bote ng lotion sa isang supermarket sa Las Piñas City.

Ang mga suspek ay sina Noel Viado, 47-anyos at residente ng Dasmarinas Cavite at si Paulita Palustre, 47-anyos na residente naman ng BF Resort Village Talon 2 sa Las Piñas.

Base sa report ng security guard na si Jenifer Avancenia, napnasin nya na kumukuha si Palustre ng sampung lotion.

Kaduda-duda aniya ang ikinikilos nito kaya niya sinundan nang palihim at nakita niya na inabot ni Avancenia kay Viado ang mga lotion.

Isa-isa namang ipinasok ni Viado sa secret pocket ng kanyang maluwag pantalon ang naturang mga produkto.

Nagkakahalaga ng P309 kada isa ang presyo ng lotion na ninakaw.

Inabangan naman sa counter ang mga suspek at dito na nila binitbit papuntang pulisya.

Depensa naman ng dalawa, napakapit lamang sila sa patalim kaya naisagawa ang pagnanakaw.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 10 bottles of lotion, Las Piñas City, metro news, Radyo Inquirer, theft, 10 bottles of lotion, Las Piñas City, metro news, Radyo Inquirer, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.