Cigarette Ban, ipinag-utos ng Santo Papa sa Vatican

By Rhommel Balasbas November 10, 2017 - 06:28 AM

Hindi na papayagan ni Pope Francis ang pagbebenta ng mga sigarilyo sa Vatican Employees simula sa susunod na taon.

Ayon kay Vatican spokesman Greg Burke, ayaw aniyang kunsintihin ng Santo Papa ang maling gawi ng paninigarilyo na lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng tao.

Sa kasalukuyan, nasa 5,000 empleyado at retired staff ang pinapayagang bumili ng sigarilyo sa duty-free shop and supermarket ng Vatican.

Tinatayang nasa 11 milyong dolyar ang ibinibigay na kita nito sa estado kada taon.

Gayunpaman, ayon kay Burke, walang anumang halaga ang sapat kung ang kapalit nito ay buhay ng mga tao.

Binanggit ng opisyal ang datos mula sa World Health Organization (WHO) na nagsasabing nasa pitong milyong katao ang namamatay dahil sa paninigarilyo kada taon.

Ani Burke, marahil isa itong sakripisyo para sa Santo Papa dahil ang mga sigarilyo ay “source of revenue” ngunit mas mahalagang gawin ang tama.

Si Pope Francis na hindi naninigarilyo ay natanggalan na ng baga noong siya ay binata pa.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cigarette ban, Foreign News, pope francis, Vatican, cigarette ban, Foreign News, pope francis, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.