9 sundalo sugatan sa pakikipagbakbakan sa NPA sa Nueva Vizcaya

November 10, 2017 - 03:39 AM

 

Sugatan ang siyam na sundalo sa engkwentrong naganap sa bayan ng Dupax Del Sur sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Pawang mga miyembro ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasaktan sa nasabing insidente nang makapalitan ng putok ang puwersa ng New People’s Army , Huwebes ng umaga.

Nagpapatrulya ang tropa ng militar sa barangay Sanguit matapos makakuha ng impormasyon na may presensya ng NPA sa lugar nang maganap ang engkwentro.

Agad namang inilikas ang mga sundalo sa lugar upang mabigyan ng kaukulang lunas sa mga sugat na tinamo resulta ng encounter.

Samantala, isa namang hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupo ang sinasabing nasawi sa bakbakan./Jay Dones

Excerpt: Agad inilikas ang mga sundalo upang mabigyan ng kaukulang lunas sa mga sugat na tinamo resulta ng encounter.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.