Drilon, tinawag na kalokohan ang pag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga

By Ruel Perez November 09, 2017 - 03:35 PM

Tinawag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kalokohan o salungat sa katwiran ang pag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga.

Kung tutuusin, ayon kay Sen. Drilon, ay hindi na siya dapat pang magkomento ukol sa nabanggit na isyu.

Sina Drilon at maging si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na parehong kasapi ng Liberal Party ay itinuro bilang protektor umano ng ilegal drug trade sa Western Visayas Region.

Ang nabanggit na akusasyon ay nakapaloob sa sinumpaang salaysay ng drug syndicate bagman na si Rick Serenio.

Nauna ng pumalag ang Liberal Party at ilang mga kasapi nito matapos na iugnay sa ilegal na droga si Roxas at Drilon.

Iniuugnay din ng administrasyon ang oposisyon sa umanoy planong destabilisasyon para patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte.

TAGS: drugs, Franklin Drilon, illegal drug trade, drugs, Franklin Drilon, illegal drug trade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.