Meralco, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2017 - 01:05 PM

Magpapatupad ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre ang Meralco.

Sa abiso ng Meralco, dagdag na 34 centavos bawat kilowatt hour ang madaragdag sa kanilang singil.

Ito ay dahil sa pagtaas ng generation charge.

Mararamdaman na ang pagtaas ng bayarin sa kuryente sa November bill ng customers.

Dahil sa nasabing dagdag, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour bawat buwan ay magkakaroon ng P68.72 na dagdag na bayarin.

P103.08 naman ang madaragdag sa mga consumer na kumokonsumo ng 300 kilowatt hour bawat buwan.

Kung konsumo naman ay 400 kilowatt hour bawat buwan, nasa P137.44 ang inaasahang dagdag.

Habang P172.79 ang dagdag kapag kumokonsumo ng 500 kilowatt hour bawat buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: meralco, power rate hike, Radyo Inquirer, meralco, power rate hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.