Kasong usurpation labay kay Aquino, malabong magtagumpay ayon kay Duterte

By Kabie Aenlle November 09, 2017 - 03:39 AM

Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ng kaniyang kritiko na si Sen. Antonio Trillanes tungkol sa kasong usurpation of authority na isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Nagsampa na kasi ang Office of the Ombudsman ng kaso laban kay Aquino dahil sa nabulilyasong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na Special Action Forces commandos.

Ayon kasi sa pangulo, hindi maaring magkaroon ng “usurpation” kung talaga namang trabaho ng presidente ang kaniyang ginawa.

“You cannot usurp what is inherently your duty,” ayon kay Duterte.

Ani Duterte, ang pangulo ay mayroong kapangyarihan na bantayan at kontrolin ang kaniyang mga subordinates, at maari din nitong baliktarin ang desisyon ng mga ito upang siya na ang kikilos.

May magandang punto naman aniya si Trillanes nang sabihin nito na magsisilbing “bad precedent” kung makakasuhan ang isang pangulo ng kasong kriminal dahil sa mga police o military operations.

Maari kasing ibunton na lang lagi ang sisi sa presidente sa tuwing mabubulilyaso ang mga misyon ng mga pwersa ng gobyerno.

Para kay Duterte, hindi magiging matagumpay ang kasong isinampa laban kay Aquino.

Matatandaang nag-ugat ang kasong ito nang konsultahin ni Aquino si suspended police chief Alan Purisima tungkol sa operasyon laban kay Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.