Presidential Spokesman Harry Roque handang magbitiw sa pwesto

By Chona Yu November 07, 2017 - 03:20 PM

Inquirer photo

Hindi pa man nag-iinit sa puwesto at bagama’t kakapanumpa pa lamang kahapon ay handa nang bumitiw sa kanyang pwesto si Presidential Spokesman harry Roque.

Tugon ito ni Roque sa panawagan ng die hard supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa social media.

Ayon kay Roque, hindi sya magpupumilit sa pwesto at kung nais siyang palitan ng pangulo ay handa syang tumalima dito.

Tiniyak pa ni Roque na ipaaabot niya mismo sa pangulo ang kahilingan ng mga tagasuporta nito tulad nina RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy at Sass Rogando Sassot na alisin siya sa puwesto.

Nauna dito ay umapela si Roque sa  mga tagasuporta ni Duterte na lubayan na ang mainstream media at pilit na ipinaiintindi ang kahalagahan ng papel na ginagampanan nito sa lipunan lalo na sa pagsisiwalat ng mga katiwalian ng mga nakaraang administrasyon.

Hindi rin nagustuhan ng ilang mga online supporters ng pangulo ang paglambot ng desisyon ni Roque laban sa ilang mga kritiko ng pamahalaan.

TAGS: dds, duterte, Harry Roque, presidential spokesman, dds, duterte, Harry Roque, presidential spokesman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.