4 katao, inaresto ng PDEA sa Naga City

By Justinne Punsalang November 05, 2017 - 04:13 PM

Timbog sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat katao sa Naga City, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Olivia Encinas, animnapung taong gulang at residente ng San Pedro, Laguna; Joel Saut, tatlumput limang taong gulang at Alvin Andaya, tatlumput pitong taong gulang na kapwa residente ng Amadeo, Cavite; at Rodigundo Celis, tatlumput apat na taong gulang at residente ng Tipas, Taguig City.

Ayon sa PDEA-Camarines Sur, nasa anim na milyong piso ang street value ng nasabat mula sa mga suspek na isang kilo ng shabu na nakasilid lamang sa apat na magkakahiwalay na plastic.

Dagdag pa ng mga otoridad, isa ang naturang grupo sa malalaking supplier ng shabu sa rehiyon ng Bicol, maging sa Visayas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.