Kandidata sa Miss Cebu pageant, umaming babae at hindi lalaki ang karelasyon

By Ricky Brozas November 05, 2017 - 04:04 PM SHARE(S):
Photo: Cebu Daily News

Nagulat ang mga manunuod nang sinserong sagutin ni Binibining Tabogon Maria Izobel Taguiam ang casual interview sa kanya sa ginanap na Binibining Cebu pageant ang tanong kung siya ba ay may boyfriend na?

Diretsahan kasi ang naging tugon ni Taguiam na hindi lalaki kundi kapwa babae ang kanyang kasalukuyang karelasyon.

Paliwanag ng 17 anyos na kandidata, hindi dapat ang kasarian ang tinitingnan sa isang relasyon kundi ang tunay na pagmamahal na nararamdaman ng magkapareha.

Dahil sa naging sagot ni Miss Tabogon ay naghiyawan, nagpalakpakan at umani ng papuri sa mga nanunuood ng patimpalak.

Sa follow-up question naman ng Host na si Miss Earth 2008 Karla Henry kay Taguiam kung naniniwala ba itong mas karapat-dapat na manalo ang kandidata na single kumpara sa may karelasyon ay sinagot nito ng mga katagang “mas mainam kung committed ang mananalo sa paligsahan dahil suportado naman siya ng kanyang partner sa lahat ng kanyang desisyon at hindi siya sagabal sa kanyang mga commitments”

Idinagdag pa ni Miss Tabogon na proud na proud siya sa kanyang kapareha at nais niyang ipaalam sa publiko na “okay lang na magmahal anuman ang kasarian”

Si Taguiam na High School Student ng Southwestern University ay nagsabing ibinunyag niya ang kanyang relasyon dahil alam niya ang pakiramdam nang ikinatatatwa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.