Train ng MRT, biglang umusok; mga pasahero, pinababa at pinaglakad sa riles

By Mariel Cruz November 05, 2017 - 12:12 PM

FILE PHOTO

Pinababa ang mga pasahero ng isang train ng MRT-3 northbound sa pagitan ng dalawang istasyon sa Quezon City, umaga ng Linggo.

Ito’y matapos umusok ang ilalim na bahagi ng isa sa mga bagon.

Nabatid na patungo na sa GMA Kamuning station ang MRT train mula sa Cubao station nang bigla itong tumigil sa harap ng Mega Q-Mart matapos mapansin ng mga pasahero ang usok mula sa ilalim ng bagon.

Ayon sa ulat, agad na nagbabaan ang mga pasahero sa train at naglakad sa riles patungo sa susunod na istasyon.

Wala naman napaulat na nasugatan at agad rin nagpatupad ng provisional service ang pamunuan ng MRT sa pagitan ng Taft at Shaw Boulevard stations.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang MRT ukol sa nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.