1 patay sa karambola ng mga sasakyan sa Star Tollway sa Batangas

By Khyz Soberano November 04, 2017 - 03:37 PM

Photo: Bart Blanco

Nagkarambola ang apat na sasakyan sa bahagi ng Balagtas, Star Tollway sa Batangas City.

Sa inisyal na impormasyon, sinabing binangga ng isang Isuzu Dump Truck ang mga sasakyang Toyota Fortuner, Isuzu Elf Truck at Subaru SUV kaninang pasado ala-una ng tanghali.

Idineklarang dead-on-arrival ang pasahero ng Subaru SUV na si Milensel Alvez matapos itong isugod sa Mary Mediatrix Medical Center habang nagtamo naman ng minor injury ang asawa nitong si Anthony Alvez na siyang driver ng sasakyan.

Ang iba pang mga sugatan ay dinala rin sa nasabing pagamutan ayon sa mga otoridad.

Kinilala ang driver ng dump truck na si Wendell Vergara, na nakatakdang dalhin sa Ibaan Police Station upang imbestigahan.

TAGS: Batangas, star tollway, Vehicular accident, Batangas, star tollway, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.