Puntod ng mga magulang dinalaw ni Duterte kaninang madaling araw

By Den Macaranas November 04, 2017 - 08:47 AM

Inquirer file photo

Pasado alas-dose ng madaling araw kanina nang dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa  Davao City Roman Catholic Cemetery.

Dinalaw ng pangulo ang mga puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Davao Gov. Vicente Duterte at Soledad Duterte.

Sinabi ng Presidential Management Staff na naging abal ang pangulo sa mga nakalipas na araw kaya kanina lang nabisita ang libingan ng kanyang mga magulang.

Nanatili lamang ng halos ay isang oras ang pangulo sa lugar kung saan ay hindi na pinayagan pa ang mga miyembro ng media na makalapit sa mismong puntod ng mga magulang ng pangulo.

Pero bago sumakay sa kanyang sasakyan ay kinausap muna ni Duterte ang ilang mga taong naghihintay sa kanya sa sementeryo.

Namigay rin ng food packs ang mga tauhan ng PMS para sa mga tagasuporta na magdamag na naghintay sa pagdating ni Duterte sa lugar.

 

TAGS: catholic cemetery, Davao City, duterte, vicente duterte, catholic cemetery, Davao City, duterte, vicente duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.