Grade 5 student, patay sa pamamaril sa Taguig City

By Mark Makalalad November 04, 2017 - 05:03 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Hindi na matutupad pa ang pangarap ng isang grade 5 student na maging guro matapos barilin habang naglalakad sa PNAI Subdivision, Brgy. Calzada Tipas, Taguig City.

Mag a-alas:10 gabi makikita pa sa kuha ng CCTV ng barangay na naglalakad pa ang biktima na kinilalang si Mike Lorenz Salonga, 14 na taong gulang.

Ilang minuto makalipas nito nakita na lamang na nakadapa na ang biktima at naliligo na sa sariling dugo.

Dalawang tama ng bala sa likod ng ulo ang ikinamatay ni Salonga na ayon sa mga residente ng barangay ay binaril ng dalawang lalaking naka-jacket.

Pag-amin ng ina ng biktima na si Mira Salonga, 9-taong gulang pa lamang daw ang anak nya ay gumagamit na ito ng marijuana.

Tumigil daw ito ng ilang buwan matapos i-rehab pero makaraan nito ay muling bumalik sa bisyo.

Blanko naman si Ginang Mira sa motibo ng pamamaril dahil wala naman kakilalang kaaway ng anak.

Patuloy na iniimbestigahan ng Taguig Police ang krimen.
Excerpt:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.