Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila

By Ruel Perez September 15, 2015 - 08:28 AM

Ruel
Kuha ni Ruel Perez

Patay ang isang 37-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa M. Dela Fuente Street, Barangay 417, Sampaloc Maynila.

Kinilala ang biktimang si RJ Barboza, walang trabaho at residente ng Barangay 425, Paltoc Street sa Sampaloc.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng apat na putok na baril kaninang bago mag alas 4:00 ng madaling araw.

Nasa tatlong basyo ng kalibre 22 na baril ang narecover sa crime scene.

Sa inisyal na imbestiasyon, mayroon umanong kasamang babae si Barboza nang maganap ang insidente.

Posible umanong nagkahabulan pa bago tuluyang barilin ang biktima.

Ayon sa ina ni Barboza, wala siyang alam na may kaaway ang kaniyang anak.

Iniiimbestigahan na ng Manila Police District (MPD) kung ano ang motibo sa krimen.

TAGS: man shot dead in manila, man shot dead in manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.