Sidewalk ng Balintawak, nagagamit na ng mga commuters

By Erwin Aguilon September 15, 2015 - 08:29 AM

Balintawak erwin
Kuha ni Erwin Aguilon

Inalis na ang mga vendors sa sidewalk ng Balintawak Market na nagiging dahilan kaya ang mga commuters ay sa kahabaan ng EDSA naglalakad at hindi sa sidewalk.

Ngayong umaga, ang yellow lane na nakalaan para sa mga pampasaherong bus na dati-rati ay nilalakaran ng mga tao, ay malinis na at nadaraanan na ng mga sasakyan.

Maagang nagsagawa ng clearing operation ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa nasabing palengke para matiyak na hindi pupwestuhan ng mga tindero at tindera ang sidewalk.

Maging ang likurang bahagi ng Balintawak o ang kahabaan ng Old Samson Road na pinupwestuhan din ng mga manininda ay nilinis rin ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS). Pinaalis din ang mga vendors na nasa overpass.

Tumulong din sa paglilinis sa bahagi ng Balintawak ang mga street sweepers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dahil sa isinagawang clearing operations mas lalo pang lumuwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA-Balintawak dahil wala nang mga commuters na naglalakad sa lansangan.

TAGS: balintawak edsa, balintawak edsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.