Baron Geisler nasangkot sa aksidente Pasig City

By Erwin Aguilon September 15, 2015 - 06:50 AM

Baron Geisler inqNaaksidente ang aktor na si Baron Geisler nang mabangga ng isang truck ang kanyang minamanehong SUV sa Imelda Ave, sa Manggahan, Pasig City.

Minamaneho ng aktor ang isang itim na Toyota Fortuner na may plakang WKO 654 galing Cainta Junction patungong Marcos Highway kasama ang isang babae.

Bigla umanong nag U-turn si Geisler dahilan para mabangga ito ng paparating na 40-footer container van na may plate number na RJA 151 na minamaneho ni Exvedy Bayo.

Sinabi ng truck driver na hindi agad niya napansin ang sasakyan ni Geisler dahil naka-hazard lamang ito at hindi nakabukas ang headlight kaya nagulat na lamang siyang nasa harapan na niya ang sasakyan ng aktor.

Bagaman nakaapaak sa preno, sinabi ni Bayo na hindi agat huminto ang kaniyang sasakyan.

Ayon naman kay Ryan Santiago ng Pasig Traffic Parking Management Office, amoy alak ang aktor ng maganap ang insidente.

Nagwala pa umano ang aktor at ayaw ibigay sa kanila ang lisensya at iginigiit na dapat ay sa pulis niya isurrender ang kaniyang drivers’ license.

TAGS: BaronGeisler, BaronGeisler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.