Harry Roque, itinalaga ni Duterte bilang bagong Presidential Spokesperson

By Rhommel Balasbas October 28, 2017 - 02:23 AM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Kabayan Partylist Rep. Harry Roque bilang kanyang bagong “Presidential Spokesperson”.

Inanunsyo ito mismo ng pangulo sa selebrasyon ng kaarawan ni Roque sa Davao City Biyernes ng gabi.

Papalitan ni Roque si outgoing at unang Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Inaasahang dadalo na rin siya sa Cabinet Meeting sa November 6 matapos sumama sa nakatakdang state visit ng Pangulo sa Japan bilang miyembro ng delegasyon.

Samantala ang magiging ranggo ni Roque ay isang “secretary” o kalihim hindi tulad ng kay Abella na isang “undersecretary”.

Ayon naman kay Roque, wala siyang ideya kung bakit tinanggal ng Pangulo si Abella bilang kanyang tagapagsalita.

Iginiit naman ng bagong tagapagsalita na tinawagan niya si Abella at humingi ng paumanhin dahil wala siyang ideya sa naging announcement ng Pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.