Bagyong Quedan, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Japan

By Rhommel Balasbas October 28, 2017 - 01:44 AM

Napanatili ng Bagyong Quedan ang lakas nito habang kumikilos patungo sa mga isla sa Timog ng Japan.

Ayon sa pinakahuling advisory ng PAG-ASA, namataan ang bagyo sa layong 735 kilometro Silangan- Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 90 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa Hilaga- Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras.

Bagamat walang public storm warning signal na nakataas sa kalupaang sakop ng bansa, inaasahan na magiging mapanganib ang paglalayag sa mga karagatan sa Northern Luzon, eastern seaboard ng Gitna at Timog Luzon at eastern seaboard ng Visayas.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan ang inaasahan sa 750 kilometer diameter na sakop ng bagyo.

Inaasahang bukas, Linggo ng gabi, lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.