Game 7 napwersa ng Meralco matapos ipanalo ang game 6 kontra Ginebra

By Rhommel Balasbas October 25, 2017 - 11:05 PM

 

Wagi ang Meralco sa naganap na do or die game kontra Barangay Ginebra ngayong gabi sa Finals ng PBA sa Philippine Arena.

Sa iskor na 98-91 pabor sa Meralco, tie na ang dalawang koponan sa serye ng Finals.

Agresibo at kinontrol ng Bolts ang kabuuan ng laban at lumamang pa ng aabot sa 20 puntos.

Nanguna ang Meralco import na si Allen Durham matapos ang kanyang impressive na 28 points at 19 rebounds.

Sinundan siya ni Reynel Hugnatan na nagtala ng 24 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Samantala, matapos ang record breaking na attendance record noong game 5, muling nakapagtala ng panibagong record ang PBA ngayong gabi.

Umabot sa 53, 642 ang nanood sa Philippine Arena na sinasabing pinakamalaking attendance record sa kasaysayan.

Inaasahan naman ng officials ang mas malaking crowd sa Game 7 na magaganap na ngayong Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.