Bus na bahagi ng convoy na maghahatid ng mga sundalong mula Marawi, naaksidente

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2017 - 12:59 PM

Photo: Jamalodin SirSaff Mohammad

Nasugatan ang dalawang sundalo matapos mabangga ang sinasakyan nilang bus na bahagi ng convoy na naghahatid sa mga sundalong galing sa Marawi City.

Naganap ang aksidente sa highway na sakop ng Barangay Maria Cristina, Iligan City.

Mula Marawi, ihahatid ng convoy ang mga sundalo patungo sa Iligan.

Pero isa sa mga bus ang nawalan umano ng preno at bumangga sa puno at poste ng kuryente.

Ayon sa driver ng bus na si Jessy Gonzaga, nang pamansin niyang walang preno ang sasakyan ay ibinangga nya lamang ito sa halip na mahulog pa sa bangin na 200 metro ang lalim.

Inilipat na lamang sa ibang sasakyan na bahagi din ng convoy ang mga sundalong sakay ng naaksidenteng bus.

 

 

 

 

 

TAGS: accident, bus, Iligan City, Marawi City, accident, bus, Iligan City, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.