6 sugatan sa tumagilid na jeep sa Antipolo City

By Mariel Cruz October 25, 2017 - 10:45 AM

Sugatan ang anim na pasahero ng isang jeep na tumagilid sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City Miyerkules (Oct. 25) ng umaga.

Batay sa ulat, nawasak ang unahang bahagi ng pampasaherong jeep, at humiwalay pa ang dalawang hulong nito.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng naturang jeep na may plakang TVL 114.

Nawalan umano ng preno ang jeep dahilan para tumagilid ito.

Agad naman isinugod sa Antipolo District Hospital at Amang Rodrigues Hospital ang mga biktima.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang driver ng naaksidenteng jeep.

 

 

 

 

TAGS: accident, Antipolo City, Jeepney, Marcos Highway, accident, Antipolo City, Jeepney, Marcos Highway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.