Komedyanteng si ‘Atak’ inireklamo ng panghihipo

By Jay Dones October 24, 2017 - 04:49 AM

 

Inquirer file photo

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang komedyanteng si ‘Atak’ o Ronnie Araña sa tunay na buhay matapos umano itong hipuan ang attendant ng isang casino hotel sa Parañaque City, Linggo ng hapon.

Base sa reklamo ng attendant na si Mark Christian Macavinta, 21-anyos, inihatid niya ang 45-anyos na komedyante sa kanyang complimentary room sa Okada Casino Resort dakong alas 2:45 ng hapon.

Pagpasok nila sa kuwarto, dito na siya umano hinalikan at hinipuan ng komedyante.

Dahil dito agad siyang nagpumiglas at humingi ng tulong sa security personnel ng hotel.

Ang mga ito ang siyang tumawag ng responde sa mga pulis na siyang nagdala sa komedyante sa himpilan ng pulisya.

Si Atak ay napapanood sa ilang tv shows at comedy bars.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.