Bandang Kamikazee, magkakaroon ng comeback tour sa 2018

By Kabie Aenlle October 24, 2017 - 12:09 AM

 

Twitter/@kamikazee_phil

Kinumpirma ng Pinoy band na Kamikazee sa kanilang social media accounts ang pagkakaroon nila ng comeback tour, kasunod ng anunsyo na maglalabas sila ng bagong kanta.

Noong Agosto, sunud-sunod ang naging posts nila sa Instagram ng mga poster na may nakalagay na “TAGPUAN” at petsang “12-09-17” o December 9, 2017.

Kinumpirma ng banda na maglalabas sila ng bagong kanta sa nasabing petsa na ipinagdiwang ng mga fans.

Ngunit kahapon lang, muling nagdiwang ang mga fans ng Kamikazee sa ipinost nilang video kung saan naman kinumpirmang banda ang kanilang “Kamikazee Tagpuan Tour” sa susunod na taon.

Wala pa namang eksaktong petsa na ibinigay ang banda kung kailan magsisimula ang nasabing tour, pero labis itong ikinagalak ng mga fans nila dahil matatandaang namaalam na ang Kamikazee noong 2015 sa kanilang farewell concert na “Huling Sayaw.”

Sumikat ang bandang binubuo nina Jay Contreras, Jomal Linao, Led Tuyay, Puto Astete at Bords Bordeos dahil sa mga awiting “Narda,” “Huling Sayaw,” “Chicksilog,” “Martyr Nyebera,” at maraming iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.