Sec. Lorenzana, irerekomendang maging Marawi rehab czar

By Ruel Perez October 24, 2017 - 04:21 AM SHARE(S):

 

Naniniwala si Senador Migz Zubiri na makakatulong ang pagkakaroon ng rehabilitation czar para sa Marawi City.

Para kay Zubiri, si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maaring gumanap sa nabanggit na tungkulin dahil ang Marawi ay isang conflict area at mayroon pa ring mga armado sa kapaligiran.

Iginiit din ni Zubiri na dapat ay matapos ang complete reconstruction o rehabilitation ng Marawi sa loob ng 18 buwan o hindi na lalmpas ng 2-taon.

Pagdidiin ng senador, hindi dapat matulad ang Marawi City sa napakatagal na rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng Supertyphoon Yolanda na humagupit sa bansa noong 2013.

Nangangamba si Zubiri na kapag hindi mamadaliin ang pagbangon ng Marawi, posibleng mayroon na namang mga residente ang maengganyo na sumapi sa mga terorista o iba pang grupong radikal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.