Nov. 13, 14 at 15, idineklarang non-working days sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga dahil sa ASEAN Summit

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2017 - 12:27 PM

Idineklarang special non-working days ng Malakanyang ang mga petsang November 13, 14 at 15 sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga para sa ASEAN Summit.

Ang nasabing mga petsa ay pumapatak sa araw ng
Lunes, Martes at Miyerkules.

Sa proclamation number 332 ng Malakanyang nakasaad na ang deklarasyon ay dahil sa mga aktibidad na isasagawa sa NCR at Clark Field, Pampanga na dadaluhan ng mga ASEAN Leaders at ASEAN Dialogue Partners.

Ang ASEAN 2017 National Organizing Council ang nagrekomenda ng deklarasyon.

Nilagdaan ni Pangulong Dutertre ang proklamasyon, Lunes, Oct. 23.

Nauna rito, nagdeklara na ng suspensyon ng klase sa Metro Manila sa lahat ng antas ang Metro Manila Council para sa petsang Nov. 16 at 17.

Dahil dito, limang araw na walang pasok ang mga mag-aaral sa NCR mula Nov. 13 hanggang 17.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asean summit, Bulacan, NCR, november 13, november 14, november 15, Pampanga, walang pasok, Asean summit, Bulacan, NCR, november 13, november 14, november 15, Pampanga, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.