5 miyembro ng gun for hire group patay sa engkwentro sa Cavite; 15-anyos na buntis kabilang sa nasawi

By Jan Escosio October 23, 2017 - 10:30 AM

Patay ang mga umano ay miyembro ng isang crime group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Cavite City kaninang madaling araw.

Base sa ulat, kabilang sa napatay ang itinuturong lider ng grupo na nakilalang si Aaron Cruz at ang 15-anyos na dalagita na umano’y kanyang live in partner at tatlong buwang buntis.

Pasado alas 4:00 nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa isang grupo na nagpapaputok ng baril sa De Guzman St., Barangay 30.

Nang rumesponde ang mga pulis ay sinalubong na sila ng mga putok ng baril kaya’t ginantihan nila ang mga suspek hanggang sa mapatay nila ang mga ito.

Nabatid na isinasangkot si Cruz sa gun for hire, illegal drugs at gun running activities sa lalawigan.

Kalalabas lang din nito ng kulungan matapos makapag-piyansa sa kasong illegal possession of firearms nang makumpiska mula sa kanyang bahay ang ilang matataas na kalibre ng baril.

 

 

 

 

 

TAGS: cavite, encounter, Gun for hire, shootout, cavite, encounter, Gun for hire, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.