WATCH: Laundry shop sa QC, nilooban ng riding in tandem

By Mark Gene Makalalad October 23, 2017 - 09:32 AM

Sinalakay nang riding in tandem ang isang laundry shop sa Alibangbang Street, Veterans Village, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV sa naturang barangay, huli ang pagnanakaw ng isang armadong lalaki na nakadali sa tatlong biktima.

Ayon sa complainant na tumangging magbigay ng pangalan, nasa labas naman ang kasabwat nito na ayon sa mga biktima ay isang babae at may hawak ding baril.

Hindi bababa sa P35,000 ang halaga ng mga cellphone at pera na nakuha ng mga suspek sa tatlong customer ng laundry shop.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis at follow-up operations sa mga nakatakas na suspek.

Samantala, bago ang insidente, isang riding in tandem din ang nangholdap sa San Antonio kanto ng Omeña St, Brgy. Del Monte, sa lungsod Quezon.

Nakilala ang biktima na si Randy Buenaflor, 45-anyos na nakuhanan ng cellphone na nagkakahalaga ng P9,000 at P70 na cash.

TAGS: laundry shop, quezon city, Robbery, laundry shop, quezon city, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.