Isa patay, isa sugatan sa sunog sa Quezon City

By Mark Gene Makalalad October 23, 2017 - 06:23 AM

Nasawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang kanyang ina makaraang masunog ang kanilang tahanan sa Steve St, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ni Fire Inspector Rosendo Cabillan ng BFP-QC ang nasawi na si John Paul Uanan.

Nagtamo naman ng minor injuries ang kaniyang ina na si Joselyn Uanan.

Ayon kay Cabillan, nagsimula ang sunog sa kusina ng Pamilya Uanan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nagsimula ang sunog ng 4:31 ng hapon ng Linggo na itinaas sa unang alarma.

Tumagal naman ito ng 20-minuto bago tuluyang naapula.

Samantala, nakaligtas naman ang katiwala ng mag-ina na si Jinggoy Lazaro.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

 

 

 

TAGS: commonwealth avenue, fire, quezon city, commonwealth avenue, fire, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.