Ilang international flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

By Chona Yu October 22, 2017 - 02:26 PM

 

Kanselado ang ilang flights mula Manila patungong Japan at Taiwan.

Ito ay dahil sa Bagyong Lan.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flight ng Philippine Airlines na PR 408 mula Manila patungong Kansai, PR 432 mula Manila patungong Narita at PR 438 mula Manila patungo ng Nagoya.

Kanselado rin ang flight ng Cebu Pacific na 5J 5038 mula Manila patungong Nagoya at 5J 828/827 na Manila-Kansai-Manila.

Kanselado rin ang flight ng Philippine Airlines na PR 896/897 na Manila-Taipei-Manila.

Pinpapayuhan ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang mga apektadong pasahero na makipag ugnayan sa kanilang hanay para sa posibleng rebooking ng kanilang flight.

TAGS: Bagyong Paolo, cancelled flights, cancelled flights due to bad weather, cebu pacific, MIAA, philippine airlines, Typhoon Lan, Bagyong Paolo, cancelled flights, cancelled flights due to bad weather, cebu pacific, MIAA, philippine airlines, Typhoon Lan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.