2 lalaki, patay sa pamamaril sa New Lower Bicutan, Taguig

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 03:49 AM SHARE(S):

Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa panulukan ng Rose at Maguindanao Streets, sa Barangay New Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Lyndon Trinidad, dalawamput siyam na toang gulang. Samantala, wala pang pagkakakilanlan ang kasama nitong napatay.

Base sa pagtataya ng mga otoridad, nasa pagitan ng dalawamput lima hanggang tatlumpung taong gulang ang ikalawang biktima na pawang nakasuot na itim na tshirt.

Kapwa multiple gunshot wounds ang tinamo ng dalawa na nagresulta sa agaran nilang kamatayan.

Ayon sa mga residente sa lugar, hindi bababa sa walong putok ng baril ang narinig nila.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.