Lalaking nagbibisikleta, kritikal ang kundisyon matapos mabangga sa Novaliches, Quezon City

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 03:47 AM

Kritikal ngayon ang kundisyon ng isang lalaking nagbibisikleta sa kahabaan ng Zabarte Road sa Novaliches, Quezon City.

Ito ay matapos siyang mabangga ng isang van na minamaneho ng isang nakainom na binata.

Kinilala ang biktima na si Alejandro Locambo, na kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Bukod kay Locambo ay nabangga rin ni Jondel Caldito ang dalawang sasakyan at isang motorsiklo.

Ayon kay PO3 Rufino De Leon III mula sa Traffic Sector 2, matapos mabangga ang isang sasakyan sa tapat ng North Olympus Subdivision ay nagtangka pang tumakas ang suspek. Ngunit hinabol siya ng mga tao sa lugar, dahilan upang humarurot ito at mabangga ang isa pang sasakyan, isang motorsiklo, at si Locambo.

Hindi na itinanggi ng suspek na nakainom siya. Aniya, problemado lamang siya kaya siya nag-lasing.

Humingi naman ng paumanhin si Caldito sa kanyang mga nabangga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.