Tatlong anak ni Isnilon Hapilon, sunod na target ng mga tropa ng pamahalaan

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 02:46 AM

Hinahanap na ngayon ng tropa ng gobyerno ang tatlong mga anak ni Isnilon Hapilon at dalawa pang Malaysian nationals, kabilang si Amin Baco, na siyang nagpasimula ng ISIS movement ng mga banyagang terorista sa Southeast Asia.

Ayon kay Lieutenant-General Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command, 20 na lamang na mga terorista ang nananatiling nakikipaglaban sa Marawi City at kabilang na dito ang tatlong mga anak ni Hapilon at dalawang mga Malaysian nationals.

Dagdag pa nito, hindi nila masasabing tapos na ang kanilang misyon habang nasa loob pa ng main battle area ang naturang mga terorista.

Sinabi rin ni Galvez na patuloy na nahihirapan ang mga terorista dahil sa pagliit ng kanilang hawak na teritoryo sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.