Dalawang nabubulok na mga bangkay ng dalawang babae, natagpuan sa Albuera, Leyte

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 02:20 AM

Naaagnas na ang katawan ng dalawang babae nang matagpuan ang mga ito ng mga residente sa baybaying dagat ng Sitio Cabatuan, Barangay Tinag-an sa bayang ng Albuera sa Leyte.

Ayon kay Gabriel Dalumpines na siyang nakakita sa katawan ng isang babae malapit sa kanyang bahay, suot lamang nito ang kanyang bra at cycling shorts.

Nakasuot naman ng brown na shorts at black na t-shirt ang isa pang babae na natagpuan naman ng isang residente na si Rolando Gunos.

Pawang namamaga na ang dalawang katawan.

Ayon sa SOCO, posibleng tatlong araw nang palutang-lutang sa tubig ang mga ito.

Ayon kay PO1 Vanessa Joy Quintana ng Albuera Municipal Police Station Women’s and Child Care Division, nakikipag-ugnayan na sila sa Lapu-Lapu City Police sa Cebu na nakatanggap ng report tungkol sa nawawalang dalawang babae noon pang Lunes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.