La Salle, nagtala ng ikatlong sunud-sunod na pagkapanalo sa UAAP Season 80

By Rhommel Balasbas October 22, 2017 - 02:18 AM

INQUIRER.net / Tristan Tamayo

Muling pinatunayan ng De La Salle University Green Archers ang talas ng pana matapos talunin ang Adamson University Soaring Falcons sa iskor na 80-74 sa kanilang laban kagabi sa Araneta Coliseum.

Hindi napanatili ng Falcons ang momentum matapos ang 10-point lead na naitala ng koponan sa 1st half.

Pinagtibay kasi ni Santi Santillan ang opensa ng green archers na nagpa-init sa kanyang team.

Samantala, bukod kay Santillan, nanguna para sa koponan si Prince Rivero na nagtala ng 17 puntos.

Sa kasalukuyan, nananatili sa ikalawang pwesto ang La Salle na nagtatala na ng 8-2 win loss record.

Nasa ikatlo pa rin ang Adamson sa iskor na 6-4.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.