BBM: Walang ipamimigay na Marcos gold Intramuros bukas

By Rohanissa Abbas October 21, 2017 - 07:01 PM

Inquirer photo

Ibinabala ni dating Senador Bongbong Marcos ang umano’y isa na namang panloloko ng pamimigay ng Marcos gold bukas sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Marcos, napag-alaman niyang may magaganap na pagtitipon bukas sa lugar ang grupo na nangakong mamamahagi ng ginto ng pamilya Marcos.

Giit ng dating mambabatas, wala siyang kinalaman dito at tinawag niyang modus operandi ito.

Ani Marcos, mangingikil ang mga ito mula sa mga nagpapakilalang tagasuporta ng kanyang pamilya.

Dagdag niya, huwag maniniwala sa mga sinasabi ng grupo.

Matatandaang noong Setyembre, dinumog ng libu-libong katao ang event ng One Social Family Credit Cooperative sa University of the Philippines Los Baños.

Pinangakuan umano ang mga ito na makakatanggap ng tig-isang milyong piso o kaya ay gold bars mula sa umano’y tagong-yaman ng pamilya Marcos.

TAGS: bongbong marcos, Intramuros Manila, marcos gold, bongbong marcos, Intramuros Manila, marcos gold

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.