2 lalaki huli sa ginagawang kalaswaan sa loob ng elevator ng isang mall sa QC

By Rohanissa Abbas October 21, 2017 - 05:31 PM

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuling gumagawa ng kahalayan sa loob ng elevator sa isang mall sa Quezon City.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Marlon Rivera, desk officer ng Quezon City Police Station 7, dakong 11:15 ng umaga nang Biyernes nang sumakay sa elevator ang dalawa sa Gateway Mall.

Pagkarating sa ika-5 palapag, itinigil ng dalawa ang elevator nang ilang minuto.

Namataan ng mga security personnel ng mall sa pamamagitan ng CCTV na nagsasagawa ng oral sex ang dalawa.

Agad naman itong ipinagbigay-alam ng security guard na  si Agnes Ortiz sa security team ng mall at sa pulisya.

Parehong hinuli ang 54 taong gulang at 27-anyos na mga suspek.

Nakulong ang dalawa at nahaharap sa kasong grave scandal na paglabag sa Article 200 ng Revised Penal Code.

TAGS: elevator, gateway, mall, oral sex, quezon city, elevator, gateway, mall, oral sex, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.