Santo Papa, magpapadala ng kinatawan sa libing ni Cardinal Vidal

By Rhommel Balasbas October 21, 2017 - 05:23 AM

Magpapadala ng kinatawan si Pope Francis sa nakatakdang paglilibing sa mga labi ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa October 26.

Bukod sa papal legate, nakatakda ring dumalo sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo sa funeral mass at libing ni Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Isang mensahe mula sa Santo Papa ang babasahin sa misa.

Bilang paggunita sa ikalimang anibersaryo ng kanonisasyon ni San Pedro Calungsod, dadalhin mamaya ang mga labi ng Cardinal sa Shrine of San Pedro Calungsod sa lob ng Archbishop Residence.

Ibabalik ito sa Cathedral bukas kung saan maglalagi hanggang sa maihimlay.

Puno naman ng pasasalamat sa Diyos si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagbibigay nito sa Cebu at sa buong bansa ng tulad ni Cardinal Vidal.

Anya, salamin ng pagmamahal at kapayapaan si Vidal.

Ihihimlay ang labi ni Vidal sa isang mausoleum sa likod ng sacristy ng Cathedral sa October 26, sa ganap na ika-9 ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.