Duterte, pinulong ang mga opisyal ng FIBA para sa 2023 World Cup hosting bid

By Rhommel Balasbas October 21, 2017 - 05:22 AM

Isang pulong ang naganap sa pagitan nina Pangulong Duterte at ng mga opisyal ng Fédération Internationale de Basketball (FIBA) sa Manila Hotel.

Nasa bansa ngayon ang FIBA Officials upang inspeksyonin ang mga basketball facilities ng bansa.

Kaugnay ito ng bid ng Pilipinas na maging co-host ng Japan at Indonesia para sa 2023 FIBA World Cup.

Isinumite ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang bid ng bansa at malalaman kung sino ang mananalo sa katapusan ng taon.

Ang FIBA tournament ay nagaganap kada-apat na taon.

Hindi pa naman nagbigay ng kahit anong detalye ang Palasyo ukol sa naganap na pagpupulong.

Kasama ng presidente sa pulong sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at ang businessman na si Manuel Pangilinan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.