Pakikipagtalik sa menor de edad na misis, ituturing nang rape sa India

By Kabie Aenlle October 21, 2017 - 05:15 AM

AP Photo

Ipinagtibay na ng kataas-taasang hukuman sa India na maituturing nang rape ang pakikipagtalik ng isang lalaki sa kaniyang misis na may edad 15 hanggang 18.

Itinuturing na makabuluhan at makasaysayan ang desisyong ito ng korte na makakaapekto sa milyun-milyong mga child brides.

Sa ilalim ng kanilang batas, maging ang consensual sex sa isang babaeng may edad 16 pababa ay maituturing nang rape, ngunit ginawan ito ng exception para sa mga mag-asawa kung saan ang misis ay may edad 15 hanggang 18.

Pero ngayong iginiit ng Indian Supreme Court na ang legal age para sa lahat ng bagay ay 18 taong gulang, ituturing nang rape ang pakikipagtalik sa misis na menor de edad, consensual man ito o hindi.

Nagdiwang naman ang mga women’s rights advocates sa desisyong ito ng korte dahil matagal na nilang ipinaglalaban ang mga karapatan ng mga batang babae na ipinakakasal sa mga matatandang lalaki.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.