Kerwin Espinosa, naghain ng not guilty plea sa kinakaharap na kaso kaugnay sa ilegal na droga

By Erwin Aguilon October 20, 2017 - 09:54 AM

Nabasahan na ng sakdal si Kerwin Espinosa anak ng napatay na si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Not guilty plea ang inihain ni Espinosa sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26.

Ayon kay Espinosa, hindi totoo ang mga inihaing kaso sa kaniya ng mga otoridad.

Wala umano siya sa bansa nang isagawa ang pagsalakay sa kanialng tahanan kung saan may mga nasabat na illegal na droga ang mga pulis.

Ayon kay Espinosa, trabaho talaga ng mga pulis ang magtanim ng ebidensya para lang ipakita na kunwari ay mayroon silang accomplishments.

Maliban sa kasong illegal drug trading, si Espinosa ay may kinakaharap ding hiwalay na kasong illegal possession of firearms and explosives sa sala ni Manila RTC Branch 20 Judge Marivic Balisi-Umali.

 

 

 

 

TAGS: Albuera Leyte, illegal drug trade, kerwin espinosa, Radyo Inquirer, Albuera Leyte, illegal drug trade, kerwin espinosa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.