WATCH: Dalawang estudyante, arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Maynila

By Justinne Punsalang October 20, 2017 - 07:48 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang dalawang estudyante matapos silang mahulihan ng hinihinalang marijuana sa loob mismo ng kanilang paaralan sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa affidavit ng gurong nakahuli sa dalawang mag-aaral na 18-anyos 17-anyos, nabuking ang mgaestudyante makaraang maamoy niya ang marijuana mula sa CR.

Nang lumapit siya para tingnan ang loob ng CR ay saktong lumabas ang dalawang binata, na agad niyang sa Office of the Student Affairs para komprontahin.

Hindi naman ikinaila ng 18-anyos ang nangyari.

 

Unang dinala ang mga estudyante sa barangay na nakakasakop sa kanilang paaralan.

Matapos ito ay ipinasa sila sa nakakasakop na himpilan ng pulis.

Pero dahil hawak na ng PDEA ang Anti-Drug Campaign ng pamahalaan ay itinurn over ang dalawa sa naturang kagawaran.

TAGS: PDEA, Tondo Manila, two students arrested for marijuana, PDEA, Tondo Manila, two students arrested for marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.