African football player, nagpapalaboy-laboy sa NAIA matapos mabiktima ng panloloko

By Rhommel Balasbas October 20, 2017 - 01:42 AM

 

Isang football player mula sa Africa ang namataang nagpapalabuy-laboy sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Nakilala ang binatilyo na si Moussa Kissima Samate, 17-anyos na galing sa bansang Senegal.

Napag-alamang nabiktima pala ng panloloko ang binatilyo na inimbitahan para maging tagapagsanay sa isang football clinic sa Mckinley Hill sa Taguig City at Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Nagbenta pa ng alagang hayop ang pamilya ng biktima para lang makarating sa Pilipinas.

Nang makarating sa bansa, walang sumundo sa kanya at lumitaw ring peke ang form na ipinadala sa kanya para sa tutuluyan sana niyang hotel.

Ayon sa biktima aabot sa 150,000 pesos ang kanyang ibinayad sa kanyang kausap sa Pilipinas para sa nasabing football clinic.

Nagpalala pa sa sitwasyon ni Samate ang kawalan ng pocket money na dala kaya naglagi siya sa airport.

Sa kasaluluyan, nasa kustodiya ng airport police ang biktimang binatilyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.