Pangulong Duterte nagbabala sa posibleng paghihiganti ng mga terorista

By Jay Dones October 20, 2017 - 02:38 AM

 

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng posibleng paghihiganti ng mga teroristang grupo ngayong patay na ang mga lider ng mga ito.

Ayon sa pangulo, batid nila na magsasagawa ng mga retaliatory attacks ang mga terorista ngayong natalo na ang Maute terror group sa Marawi City ng tropa ng gobyerno.

Gayunman, ang pinag-uusapan na lamang aniya ay kung kailan ito mangyayari o kung saan.

“We know and I know that it’s coming. When? We really don’t know.” Pahayag ng Pangulo.

Maging ang militar at mga security analysts ay naniniwalang hindi dapat magpaka-kampante ang pamahalaan kahit napatay na ang mga lider ng Maute group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Kinumpirma rin kahapon ng pangulo ang pagkamatay ng sinasabing financier ng Maute terror group na si Dr. Mahmud Ahmad sa operasyon ng militar upang tuluyang ubusin ang mga terorista sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.