Mabilis na pagproseso sa mga pensyon ng mga huwes, ipinangako ni CJ Sereno

By Kabie Aenlle October 20, 2017 - 02:45 AM

 

Inquirer file photo

Nangako si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga hukom na mas pabibilisin at aayusin ang pagproseso sa kanilang mga retirement beneifts.

Sinabi ito ng Punong Mahistrado sa gitna ng mga kritisismong kaniyang natatanggap dahil sa umano’y delayed na survivorship benefit ng isang pumanaw na judge ng Court of Appeals.

Ayon kay Sereno, nangangako siyang itataas ang benepisyo ng mga judge, kasabay ng pagpapabuti ng kanilang working conditions, pagtitiyak ng mas maayos na promotion track para sa kanilang lahat, at hahanap din siya ng paraan para masolusyunan ang kanilang mga pangangailangan maging ang pisikal na proteksyon ng mga ito.

Pero bilang kapalit nito, hiniling ni Sereno sa mga hukom na pagbutihin at pag-ibayuhin pa ang kanilang trabaho upang maipakita sa mga susunod na henerasyon ng mga hukom ang pinakamagagandang katangian ng kanilang mga tauhan.

Ito aniya ay ang pagiging “honorable,” “dignified” at “excellent” sa anumang paraan.

Dagdag pa ni Sereno, pangungunahan niya ang reporma na magpapakita sa mga tao kung gaano kagagaling ang mga judge na Pilipino.

Matatandaang inaakusahan ngayon si Sereno na inupuan lamang ang benefits request ni yumaong Court of Appeals Associate Justice Jose Colayco.

Namatay na din kasi ang kaniyang misis nang hindi man lang nakukuha ang kaniyang pensyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.