Bagyong “Paolo” napanatili ang lakas

By Kabie Aenlle October 20, 2017 - 02:19 AM

 

Napanatili ng bagyong “Paolo” ang lakas nito habang patuloy na binabagtas ang karagatan ng Pilipinas.

Batay sa 11:00pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Paolo sa 930 kilometers East Northeast ng Baler, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugso na aabot sa 160 kilometers per hour.

Inaasahang patuloy pa rin ang pagkilos nito patungo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Maaring makaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasa loob ng 1300 kilometer diameter ng bagyo.

Samantala, huli namang namataan ang isa pang Low Pressure Area sa 235 kilometers North Northwest ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Dahil sa nasabing sama ng panahon na sumabay sa bagyong Paolo, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Bicol, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa tantya ng PAGASA ay makalalabas na ang nasabing bagyo sa Sabado ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.