November ‘playmate’ ng ‘Playboy’, isang transgender

By Jay Dones October 20, 2017 - 01:34 AM

 

Mula sa Playboy

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng ‘Playboy’ magazine, isang ‘transgender’ ang magiging ‘centerfold’ bunny nito.

Ang 26-anyos na si Ines Rau, isang French fashion model ang tampok na ‘bunny’ ng sikat na men’s magazine para sa kanilang November issue.

Personal umanong pinili si Rau ng namayapang founder ng Playboy na si Hugh Hefner upang maging kauna-unahang transgender model ng ‘Playboy.

Sa panayam ng Thomson Reuters Foundation , sinabi ni Rau na isang pagpupugay ito hindi lamang para sa mga trans-women kung hindi sa lahat ng mga kababaihan na maipakita ang kanilang kagandahan.

Masaya naman ang LGBT community sa paglalathala ng naturang men’s magazine sa larawan ng isang transgender.

Gayunman, ilang mga lalakeng netizens ang pumuna sa hakbang ng Playboy na maglathala ng larawan ng isang transgender woman sa kilalang mens’ magazine.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.