Pagbaho ng Metro Manila dahil sa basura ibinabala ng DENR

By Chona Yu October 19, 2017 - 03:17 PM

Inquirer file photo

Aminado ang Department of Environment and Natural Resources na wala pa silang nailalatag na pangmatagalang solusyon kung saan itatapon ang mga basura sa Metro Manila.

Ito ay matapos ipasara ng DENR ang Payatas landfill sa Quezon City maging ang imbakan sa Navotas City.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu na sa ngayon ay pansamantalang itinatapon ang mga basura ng Metro Manila basura sa Rodriguez landfill sa lalawigan ng Rizal.

Pero ayon kay Cimatu, hanggang sa taong 2022 lamang ang buhay ng landfill sa Rodriguez, Rizal dahil hindi na nito kakayaning tanggapin pa ang apat hanggang anim na toneladang basura na nakokolekta sa Metro Manila araw-araw.

Hindi na rin aniya maaring buksan ang Payatas at Navotas landfill dahil masyado nang mapanganib ang tambak na basura at maaring makadisgrasya sa mga kalapit na residente.

TAGS: DENR, landfill, Metro Manila, Payatas, Rodriguez, roy cimatu, DENR, landfill, Metro Manila, Payatas, Rodriguez, roy cimatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.