WATCH: Baron Geisler, kinapkapan ng mga pulis; nagpasok umano ng ilegal na droga sa kulungan

By Justinne Punsalang October 19, 2017 - 07:50 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Kinalampag at ginising ang mga detainee ng Quezon City Police Station 10, kasama na ang aktor na si Baron Geisler para magsagawa ng inspeksyon ang mga otoridad.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na mayroong nakapasok na illegal substance sa loob ng detention facility na nasa pag-iingat naman umano ni Baron.

Alas 12:00 ng madaling araw nang mapansin ng concerned citizen na mayroong hawak na kahina-hinalang pakete na may lamang puting mala-pulbong substansya.

Bago mag-alas 4:00 ng umaga nang isagawa ang inspeksyon.

Ayon kay PO2 Bryan Gusto ng QCPD Station 10, ginampanan lamang nila ang kanilang tungkulin.

Wala namang nakuha mula kay Baron na tila nagulat sa ginawa ng mga otoridad.

Matatandaang nakapiit si Baron sa Station 10 dahil sa panggugulo nito sa isang resto bar noong Lunes ng gabi.

TAGS: arrested, Baron Geisler, QCPD, Radyo Inquirer, arrested, Baron Geisler, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.