Pinsan ng napatay na ASG lider na si Isnilon Hapilon sumuko sa AFP

By Rohanissa Abbas October 18, 2017 - 04:28 PM

AFP

Sumuko sa militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group at sinasabing kamag-anak ng napatay na lider ng grupo na si Isnilon Hapilon.

Sa ulat na nakaratianga sa Camp Aguinaldo, kinilala ang pinsan ni Hapilon na si Ben Salina Sapilin.

Ayon kay Joint Task Force Basilan Col. Juvymax Uy, sumuko si Sapilin sa headquarters ng 74th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Al-Barka, Basilan.

Kasama niyang sumuko ang dalawa pang myembro ng Abu Sayyaf group na sina Rami Ben Sapilin at Muhammad Endeng.

Isinuko rin ng mga ito ang isang M16 A1 rifle, Cal. 30 M1 garland rifle, at isang M79 rifle.

Matatandaang si Hapilon ay napatay ng militar noong Lunes sa bakbakan sa Marawi City kasama ang isa pang lider terorista na si Omar Maute.

TAGS: Abu Sayyaf, hapilon, marawi, Maute, Abu Sayyaf, hapilon, marawi, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.