9 na taong gulang na bata patay, matapos upuan ng babaeng 150-kilogram ang bigat sa Florida

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2017 - 12:53 PM

Sinampahan ng kaso ang isang 64-anyos na babae sa Florida, United States matapos na masawi ang isang 9 nataon gulang na bata.

Si Veronica Green Posey ay inaresto at kinasuhan ng homicide at cruelty toward a child.

Ayon sa testimonya ng mga rumespondeng paramedics, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang tahanan sa Pensacola.

Mismong si Posey ang tumawag sa 911 at sinabing inupuan niya ang batang si Dericka Lindsay bilang pagdisiplina dito dahil masyado itong malikot at hindi niya makontrol.

Ang ginawang pag-upo ni Posey na may bigat na 150-kilogram ay ikinasawi ng bata.

Habang nakaupo si Posey, nagawa pa umanong magsabi ng bata na hindi siya makahinga at nang tumayo na si Posey, wala nang malay ang bata.

Kinasuhan din ang dalawa pang kaanak ng bata na sin Grace Joan Smith at James Edmund Smith dahil sa kapabayaan.

Ayon mismo kay James Smith, 10-minuto na inupuan ni Posey ang bata, at kahit nagreklamo na itong hindi na siya makahinga, nanatili pa si Posey sa loob ng dalawa pang minute bago tumayo.

Pansamantala namang nakalaya si Posey matapos magbayad ng $125,000 na piyansa.

 

 

 

 

 

 

TAGS: florida, Radyo Inquirer, Verpnica Posey, florida, Radyo Inquirer, Verpnica Posey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.